Posts

Showing posts from January, 2026

12 Maskara ng mga Narcissist na Dapat Mong Malaman By Brain Power 2177

Image
12 Maskara ng mga Narcissist na Dapat Mong Malaman Hindi lahat ng taong mabait sa una ay totoo hanggang dulo. Minsan, may mga taong iba ang ipinapakita sa harap, at iba ang ginagawa sa likod. Sa video na ’to, pag-uusapan natin ang 12 maskara ng mga narcissist. NUMBER 1 Mabait sila sa umpisa Tipong mapapaisip ka: “Grabe, saan ba nanggaling ’tong taong ’to?” Laging nandiyan, laging may oras, laging may papuri. Ang bilis nilang makaramdam ng kailangan mo kung kulang ka sa validation, ibibigay nila lahat. Kung pagod ka, sila ang “sandalan.” Kung malungkot ka, sila ang “nakakaintindi.” Para kang nasa isang pelikula kung saan ikaw ang bida… at sila ang perfect partner, friend, o mentor. Pero unti-unti, may mapapansin kang kakaiba. Yung kabaitan nila, may kondisyon pala. Kapag hindi ka sumunod sa gusto nila, biglang nagbabago ang timpla. Yung dating lambing, nagiging malamig. Yung dating “I’m always here for you,” nagiging “ang arte mo” o “dati hindi ka naman ganyan.” Doon ka na magsisimulang...

Dina-down Ka Nila? Ito ang Magandang Gawin Mo Para Hindi Ka Maapektuhan By Brain Power 2177

Image
Dina-down Ka Nila? Ito ang Magandang Gawin Mo Para Hindi Ka Maapektuhan May mga pagkakataon na wala ka namang ginagawa, pero parang may gustong magpabagsak sa’yo. Ramdam mong dina-down ka. Kung nararanasan mo ‘yan ngayon, hindi ka nag-iisa. At mas mahalaga, may magagawa ka. NUMBER 1 I-assess mo muna kung sino sila Kapag dina-down ka, huminto ka muna at i-assess kung sino talaga sila sa buhay mo. Hindi lahat ng may opinyon ay may bigat. Tanungin mo ang sarili mo: May ambag ba sila sa growth ko? Kasi kung ang taong nangmamaliit sa’yo ay hindi naman present noong hirap ka, wala noong nag-uumpisa ka, at lalong hindi sumusuporta sa mga pangarap mo—bakit mo hahayaan na sila ang magdikta ng halaga mo? Minsan kasi, we give too much power sa maling tao. Isang side comment lang nila, tapos buong araw ka nang sira ang mood. Pero isipin mo: kilala ka ba talaga nila? Alam ba nila ang pinagdaanan mo, ang sacrifices mo, ang mga gabing pinili mong lumaban kahit gusto mo nang sumuko? Kung hindi, then t...

Maraming Inggit sa Paligid Mo? Ito ang Magandang Gawin By Brain Power 2177

Image
Maraming Inggit sa Paligid Mo? Ito ang Magandang Gawin Minsan, hindi ka nila inaaway nang harapan. Napapansin mo na lang, iba na ang tingin nila sa 'yo, iba na ang tono, at parang may humihila pababa sa’yo. Hindi mo alam kung bakit, pero ramdam mong may inggit sa paligid mo. NUMBER 1 Limitahan mo ang pagbabahagi ng plano Hindi dahil madamot ka, kundi dahil hindi lahat ng nakikinig ay para sa ikabubuti mo. May mga taong tatanungin ka ng “Anong plano mo?” hindi dahil gusto ka nilang suportahan, kundi dahil gusto nilang malaman kung saan ka puwedeng hilahin pababa. Minsan naka-smile pa sila, pero sa loob-loob nila, naghahanap na ng butas. Halimbawa, excited ka, may bagong idea ka, bagong goal, kaya gusto mong i-share. Normal ’yan. Tao ka eh. Gusto mo ng validation, ng “Uy, ang galing!” Pero hindi mo napapansin, habang nagsasalita ka, may mga taong tahimik na nagko-compute—“Kaya ba niya ’yan?”, “Nauna na ba siya sa’kin?”, o mas masakit, “Paano kung pumalpak siya?” Kapag masyado mong bi...