Kapag Sobra Kang Mabait, Maraming Magagawa ang Toxic sa'yo By Brain Power 2177
May mga taong sobrang bait… pero tahimik na napapagod. Hindi dahil masama ang mundo, kundi dahil palagi silang nagbibigay kahit wala nang natitira para sa sarili nila. Kung ikaw yung taong hirap tumanggi, laging umiintindi, at laging nauuna ang iba bago ang sarili mo—
posibleng hindi mo napapansin kung ano na ang kapalit ng sobrang kabaitan. Sa video na ’to, pag-uusapan natin ang 11 bagay na nangyayari kapag sobra kang mabait.
NUMBER 1
Kapag sobra kang mabait, aabusuhin ka nila
Ang mas masakit, kadalasan hindi mo agad napapansin. Hindi dahil mahina ka. Hindi dahil tanga ka. Kundi dahil busilak ang puso mo at naniniwala ka na “kung mabuti ako, magiging mabuti rin sila.”
Sa simula, simple lang. Hihingi sila ng konting favor. Konting oras mo lang. Konting intindi. Sinasabi mo sa sarili mo, “Okay lang, minsan lang naman.” But days turn into weeks, weeks turn into years. At bago mo pa namalayan, ikaw na ang default na sasalo sa lahat. Ikaw ang laging nandiyan. Ikaw ang laging umiintindi. Ikaw ang laging nag-aadjust.
Habang ikaw ay nagbibigay nang nagbibigay, may mga taong natutong kumuha nang kumuha. Hindi dahil masama silang tao sa umpisa, kundi dahil pinayagan mo. Sanay ka kasing magsabi ng “okay lang,” kahit hindi na okay. Sanay ka kasing ngumiti, kahit durog ka na sa loob. You say “yes” kahit gusto mo nang sumigaw ng “no.”
At dito nagsisimula ang abuso. Hindi ito laging sigawan o pananakit. Minsan, tahimik lang. Emotional abuse. Ginagawa ka nilang therapist, shock absorber, taga-ayos ng problema nila. Kapag masaya sila, wala ka. Kapag may gulo, bigla kang mahalaga. Kapag may kailangan sila, one call away ka. Pero kapag ikaw na ang may kailangan? Seen. Delivered. No reply.
Masakit kasi akala mo normal lang ‘yon. Akala mo bahagi lang ng pagiging mabait. Pero the truth is, kapag wala kang boundaries, tinuturuan mo ang mga tao kung paano ka tratuhin. At kapag palagi mong ipinapakita na kaya mong tiisin ang lahat, may mga taong sisiguraduhing ipapasan nila sa’yo ang bigat.
Dumadating sa punto na hindi ka na nirerespeto, kasi sa mata nila, kaya mo namang tanggapin lahat. Hindi ka nila tinatanong kung okay ka lang, kasi sanay silang ikaw ang laging okay. At kahit nasasaktan ka na, pipiliin mo pa ring manahimik dahil ayaw mong maka-offend, ayaw mong makasakit, ayaw mong magmukhang masama.
Pero pakinggan mo ‘to. Hindi kasalanan ang maging mabait. Ang problema ay kapag nakalimutan mong protektahan ang sarili mo. Kahit sa Bible, malinaw ‘yan.
Sabi sa Proverbs 4:23:
“Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.”
Ibig sabihin, may responsibilidad ka hindi lang magmahal, kundi magbantay. Hindi sinabi ng Diyos na ibigay mo ang puso mo sa lahat, lalo na sa mga taong paulit-ulit kang sinasaktan. Hindi rin sinabi na kailangan mong isakripisyo ang sarili mo para lang mapanatili ang kapayapaan.
At tandaan mo rin ito, Jesus Himself had boundaries. Hindi Niya tinulungan ang lahat sa paraang gusto nila. Minsan, umalis Siya. Minsan, tumanggi Siya. Minsan, nanahimik Siya. At hindi Siya naging masamang tao dahil doon.
Kaya kung pakiramdam mo inaabuso ka na dahil sa sobrang kabaitan mo, hindi ka nag-iisa. Maraming mabubuting tao ang dumaan diyan. Ang tanong ngayon: hanggang kailan mo hahayaang mangyari?
Hindi mo kailangang maging masama para tumigil ang abuso. Kailangan mo lang maging malinaw. Clear boundaries. Clear standards. Clear self-respect. Dahil ang tunay na kabaitan, hindi nagmumula sa takot na mawala ang iba—kundi sa lakas na piliin din ang sarili mo.
Oo, maging mabait ka. Pero huwag mong hayaang durugin ka ng mundo.
NUMBER 2
Kapag sobra kang mabait, hindi ka nila rerespetuhin
Ang masakit dito, hindi agad halata. Akala mo okay lang, akala mo pagiging Christ-like lang, akala mo ginagawa mo lang ang tama. Pero habang tumatagal, mapapansin mo na iba na ang trato nila sa’yo.
Sa umpisa, sasabihin nila “ang bait mo ah.”
Kalaunan, “pwede bang ikaw na lang, sanay ka namang gawin 'yan e.”
Hanggang sa dumating sa puntong wala na silang pakialam kung napapagod ka, nasasaktan ka, o nauubos ka.
Why? Because people don’t respect kindness that has no boundaries.
They respect clarity, strength, at self-respect.
Kapag lagi kang available, parang free ka na lang.
Kapag hindi ka marunong tumanggi, parang wala kang sariling buhay.
Kapag palagi kang nag-aadjust, iisipin nila na trabaho mo ‘yon. Hindi dahil masama ka. Hindi dahil mahina ka. Kundi dahil tinuruan mo silang okay lang na lampasan ka. Masakit pakinggan, pero totoo: People will treat you the way you allow them to treat you.
Kapag sinabi mong “okay lang” kahit hindi na,
kapag ngumiti ka kahit may nasasaktan na sa loob mo, kapag sinabi mong “sige” kahit gusto mong sumigaw ng “tama na,”
unti-unti mong sinasabi sa mundo na pwede ka nilang balewalain. At alam mo ang mas masakit? May mga taong nirerespeto ka lang habang may napapala sila sa’yo.
Pero the moment na mag-set ka ng boundary, bigla kang tatawaging: “nagbago ka,”
“ang selfish mo na,”
“di ka na tulad ng dati.”
Pero listen carefully—hindi ka nagbago, natuto ka lang. Even the Bible is clear about this. “Let your ‘Yes’ be ‘Yes,’ and your ‘No,’ ‘No.’” — Matthew 5:37
Ibig sabihin, malinaw. Hindi paikut-ikot. Hindi pilit. Ang respeto, nagsisimula sa firmness.
At isa pa:
“The fear of man brings a snare, but whoever trusts in the Lord shall be safe.” — Proverbs 29:25
Kapag mas iniisip mo ang sasabihin ng tao kaysa sa katotohanan, nakatali ka.
Pero kapag natuto kang tumayo, kahit manginig ka pa, malaya ka.
Hindi kasalanan ang maging mabait.
Pero kasalanan sa sarili mo kung hinahayaan mong tapakan ka.
Jesus was kind—but He flipped tables.
Jesus loved people—but He walked away from those who disrespected truth.
Hindi Siya people-pleaser. He was purpose-driven.
So kung nararamdaman mo ngayon na parang hindi ka nirerespeto, tanungin mo ang sarili mo—
Saan ka huling tumahimik kahit dapat nagsalita ka?
Saan ka huling nag-oo kahit dapat hindi?
Because respect starts when you stop betraying yourself.
NUMBER 3
Kapag sobra kang mabait, hindi ka nila priority
Mas masakit ’to kaysa sa inaakala mo, kasi unti-unti siyang nangyayari. Hindi biglaan. Walang announcement. Isang araw, mapapansin mo na lang na ikaw na naman ang nag-aadjust, ikaw na naman ang naghihintay, ikaw na naman ang umiintindi. And you tell yourself, “Okay lang, mabait naman ako.” Pero deep inside, may bumubulong na tanong: “Kailan naman ako?”
Kapag sobra kang mabait, nasasanay ang mga tao na lagi kang available. Kahit pagod ka, kahit may pinagdadaanan ka, they assume you’ll show up. Because you always do. Hindi dahil masama sila, kundi dahil tinuruan mo silang gano’n ang trato sa’yo. You reply fast. You cancel your plans. You say yes kahit gusto mo sanang magpahinga. Slowly, nagiging default option ka, hindi priority, kundi backup. And the worst part? Hindi nila napapansin na nasasaktan ka, kasi hindi ka nagrereklamo.
Relatable ’to, ’di ba? Yung tipong ikaw ang unang tinatawagan kapag may problema, pero kapag ikaw na ang may kailangan, seen lang. Ikaw ang laging nakikinig, pero walang nakikinig sa’yo. Ikaw ang laging nandiyan, pero kapag oras na para pumili, ikaw ang madaling iwan. You’re taken for granted, not because you’re worthless, but because you made yourself too convenient.
Minsan iniisip mo, “Kung titigil ba akong maging mabait, mawawala sila?” Kaya lalo kang kumakapit. Kaya lalo kang nagbibigay. Pero truth is, hindi mo trabaho na panatilihin ang lahat sa kapinsalaan ng sarili mo. Hindi ka masamang tao kapag pinili mo ang sarili mo. Hindi ka selfish kapag sinabi mong, “Wait lang, hindi ko kaya ngayon.” Boundaries are not walls; they’re doors with locks. Hindi lahat may access sa’yo—at okay lang ’yon.
May paalala ang Bible na madalas nating nakakalimutan kapag people-pleaser na tayo. Uulitin ko lang ang binasa nating verse kanina, sa Proverbs 4:23, “Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.”
Kung hindi mo binabantayan ang puso mo, mauubos ka. At kapag ubos ka na, kahit gusto mong magmahal, wala ka nang maibibigay.
At oo, tinuturo ng Bible ang pagiging mabait at mapagmahal. “Love your neighbor as yourself” (Matthew 22:39). Pero pansinin mo—as yourself. Ibig sabihin, kasama ka sa minamahal. Hindi ka exempted. Hindi sinabing mahalin mo ang iba habang sinasakripisyo mo ang sarili mo hanggang maubos ka.
Kaya kung pakiramdam mo palagi kang huling prioridad, basahin mo ulit ang verse na ’yon. Hindi ka OA. Hindi ka nag-drama. Signal ’yon na may kailangang baguhin. You can still be kind without abandoning yourself. You can still love without losing your worth. At kapag natutunan mong piliin ang sarili mo, doon magsisimulang baguhin ng mundo kung paano ka tratuhin.
Remember this: Hindi ka option. Hindi ka filler. Hindi ka huli. May halaga ka—kahit hindi mo na ipaliwanag sa kahit kanino.
NUMBER 4
Kapag sobra kang mabait, mauubos ka
Alam mo yung pakiramdam na pagod ka kahit wala ka namang ginawang “pisikal”? Yung tipong bagong gising ka pa lang pero parang drained ka na agad. Hindi dahil sa trabaho. Hindi dahil sa puyat. Kundi dahil araw-araw, inuubos mo ang sarili mo para sa ibang tao. You listen, you understand, you adjust. Ikaw yung laging “okay lang,” kahit sa loob-loob mo hindi na talaga okay. And the scary part? Hindi mo agad napapansin na unti-unti ka nang nauubos emotionally.
Kapag sobra kang mabait, lagi mong sinasabi sa sarili mo, “Kaya ko pa.” One more favor. One more adjustment. One more sacrifice. You keep showing up kahit empty ka na. You become everyone’s emotional safe space, pero wala kang sariling safe space. Ikaw yung laging sumasalo ng problema ng iba. Sinasalo mo ang kanilang stress, galit, drama, trauma pero walang sumasalo sa’yo. And because you don’t want to be a burden, you stay silent. You smile. You say “I’m fine,” kahit deep inside, you’re breaking.
Emotionally drained ka na kapag wala ka nang maramdaman. Kapag hindi ka na masaya, pero hindi ka rin makaiyak. Parang naka-auto-pilot ka na lang. You give love, but you don’t feel loved. You help, but you don’t feel helped. You’re present, but you feel invisible. At mas masakit pa, minsan naiisip mo, “Ako ba ang problema? Bakit parang ako lang ang laging napapagod?” Hindi ka mahina. Hindi ka madamot. Napagod ka lang sa kakabigay ng hindi napupunan.
May dahilan pala kung bakit sinasabi ng Bible:
“Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.” — Proverbs 4:23
Hindi sinabing ibigay mo ang puso mo sa lahat. Sinabing bantayan mo. Kasi kapag hindi mo iningatan ang puso mo, mauubos ka. Kahit gaano ka kabuti, kahit gaano ka ka-loving, tao ka pa rin, hindi ka infinite source.
At tandaan mo rin ito:
“Love your neighbor as yourself.” — Mark 12:31
May “as yourself” doon. Ibig sabihin, kasama ka sa equation. Hindi ka exempted sa care, sa pahinga, sa boundaries. Hindi kasalanan ang magpahinga. Hindi kasalanan ang tumanggi. Hindi kasalanan ang piliin ang sarili mo minsan. Even Jesus Himself withdrew to rest. He stepped away from the crowd. He didn’t heal everyone in one day. Why? Kasi mahalaga rin ang emotional and spiritual rest.
Kung nararamdaman mong ubos ka na, maybe it’s not because you don’t love enough. Maybe it’s because you’ve been loving everyone except yourself. And today, this is your reminder: you are allowed to pause. You are allowed to say “not now.” You are allowed to protect your heart. Kasi kapag tuluyan kang naubos, wala nang matitira para ibigay—kahit sa mga mahal mo.
NUMBER 5
Kapag sobra kang mabait, hindi ka nila papakinggan
Alam mo ba kung bakit hindi ka pinapakinggan, kahit ang bait-bait mo, kahit palagi kang nariyan, kahit ikaw na ang nag-aadjust?
Hindi dahil wala kang sense. Hindi dahil mali ka. Kundi dahil nasobrahan ka sa pagiging available.
Kapag sobra kang mabait, nasasanay ang mga tao na okay ka lang palagi. Kahit may nararamdaman ka, kahit may mali, kahit nasasaktan ka na—tahimik ka. Ngumingiti ka pa. So sa isip nila, “Ayos lang siya.” Hanggang sa dumating yung punto na nagsalita ka na… pero wala na silang pakialam makinig.
Masakit ‘to pero totoo: people listen to those who know when to stop talking and when to stand their ground.
Kung lagi kang oo, kung lagi kang “kahit ako na lang”, kung lagi kang “okay lang”—unti-unting nawawala ang bigat ng boses mo. You become background noise. Andiyan ka, pero hindi ka naririnig. Minsan nagsasalita ka, pero ini-interrupt ka. Minsan nag-e-explain ka, pero pinapalitan agad ng topic. Minsan nag-o-open up ka, pero sasabihin lang, “Hayaan mo na.” At doon ka mapapatanong sa sarili mo:
“May halaga pa ba ang sinasabi ko?”
“Invisible na ba ako?”
Hindi ka mahina. Napagod ka lang maging mabait sa maling paraan.
You taught people how to treat you—by always letting things slide.
Palagi ko na 'tong sinasabi sa ibang videos natin, sabi sa Bible:
“Let your ‘Yes’ be ‘Yes,’ and your ‘No,’ ‘No.’” — Matthew 5:37
Ibig sabihin, may power ang boundaries. May authority ang taong marunong magsabi ng hindi. Hindi lahat ng mabait ay pinapakinggan—pero ang taong may paninindigan, talagang pinakikinggan.
At isa pa, malinaw din ang paalala sa
“Speak up for those who cannot speak for themselves.” — Proverbs 31:8
Kasama ka doon.
Kung hindi mo ipagtatanggol ang sarili mo, huwag kang magulat kung walang ibang gagawa nito para sa’yo.
Hindi mo kailangang sumigaw para pakinggan. Kailangan mo lang tumigil sa pagiging doormat.
The moment na nagsimula kang mag-set ng boundaries, may mga taong lalayo. May magtatampo. May magsasabing “nagbago ka.” Pero ang totoo? Doon ka pa lang nagsisimulang respetuhin.
Hindi ka isinilang para maging tahimik na tagasalo ng problema ng iba.
May boses ka. May halaga ang sinasabi mo.
At kapag natutunan mong pakinggan ang sarili mo—doon ka rin sisimulang pakinggan ng mundo.
NUMBER 6
Kapag sobra kang mabait, nasasanay silang lagi kang nasa tabi nila
Alam mo ba yung pakiramdam na palagi kang nagbibigay, palagi kang nandiyan para sa iba, pero parang walang nagbabalik? Parang automatic na rin sa kanila na ikaw ang laging “go-to person.” Kung kailangan nila ng tulong, ikaw ang agad na handa; kung may problema sila, ikaw ang shoulder to cry on. Slowly, nasasanay sila. Nasasanay silang libre ka—hindi lang sa oras mo, kundi pati sa effort mo, sa attention mo, at sa pagmamahal mo.
Imagine mo, kapag biglang sinabi mong “Hindi ako pwede ngayon” o “kailangan ko rin ng tulong,” bigla silang magulat, parang hindi nila alam na meron kang limit. Parang automatic na sa kanila na ikaw ang nagbibigay, at wala silang habit na mag-adjust o mag-effort para sa’yo. Dito nagsisimulang mawala ang balance sa relasyon—palagi kang nasa giving side, palagi silang nasa receiving side.
Hindi naman mali ang maging mabait, pero may panganib kapag sobra. Kapag nasanay silang libre ka, madali kang abusuhin, at madalas hindi nila nakikita o na-appreciate ang sakripisyo mo. You become the “default helper,” the one who’s always available, pero hindi na nila iniisip kung kailangan mo rin ng space o oras para sa sarili mo.
At ang masakit, unti-unti mo ring nakakalimutan ang sarili mo. You start to question, “Is it wrong to say no?” o “Bakit parang ako lang palagi ang nagbibigay?” Kaya mahalaga na matutunan mong mag-set ng boundaries. Tandaan mo rin, kahit gaano ka kabait, may hangganan ang lahat. Ang kabaitan mo ay hindi palaging dapat ipagpalit sa pain mo.
Ang Bible mismo ay nagsasabi, “Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap” (Luke 6:38). Pero pansinin mo—ito ay hindi tungkol sa pagpapakawala ng sarili mo sa point na wala ka nang natitira para sa sarili mo. God wants generosity, yes, but He also values self-respect at self-care.
Kaya sa susunod na may humingi sa’yo, huwag kang matakot magtanong sa sarili mo: “Can I really do this now?” o “Am I also being cared for?” Because being kind doesn’t mean being a doormat. You can love, you can help, but don’t let anyone take advantage of your free heart.
NUMBER 7
Kapag sobra kang mabait, mawawala ang respeto mo sa sarili mo
Alam mo ba yung pakiramdam na palagi kang nag-a-adjust, palaging inuuna ang iba, pero pag tumingin ka sa sarili mo… parang wala ka na sa picture? Yun yung unti-unting nangyayari kapag sobra kang mabait. Kapag palagi kang nagsasakripisyo para sa iba, kadalasan, unti-unti mong nakakalimutan kung ano ang gusto mo, kung ano ang boundaries mo, at kung sino ka talaga. You give and give, pero nakakalimot ka sa sarili mo.
At habang ganito, dahan-dahan, nawawala ang respeto mo sa sarili mo. Hindi dahil hindi ka maganda o mabuti, kundi dahil sanay ka nang i-prioritize ang happiness ng iba kesa sa sarili mo. Kapag paulit-ulit mong ginagawa ‘to, it sends a subtle message sa utak mo: “I am less important. My needs don’t matter.” At kahit alam mong mali, napipilitan ka pa ring sumunod sa gusto ng iba.
Hindi lang yun—nagiging emotional exhaustion din ito. Alam mo yung moment na gusto mo nang magsabi ng “hindi,” pero natatakot kang masaktan sila o madisappoint? That’s a clear sign na unti-unti nang nauubos ang self-respect mo. Kabaitan is a gift, pero kung walang hangganan, it can slowly erode your sense of self-worth.
Pero may pag-asa. Ang Biblia mismo ay nagsasabi sa Proverbs 4:23, “Guard your heart above all else, for it determines the course of your life.”
Kung ang puso mo, yung core mo, ay pinapabayaan mo dahil laging inuuna ang iba, natural lang na mawawala ang respeto mo sa sarili mo. Pero kapag natutunan mong mag-set ng boundaries at ipaglaban ang sarili mo, dadaan ka sa proseso ng healthy self-love.
Kaya tandaan mo: being kind is powerful, but respecting yourself is essential. Hindi mo kailangang maging hero sa lahat ng problema ng iba. Pwede kang maging mabuti without losing yourself. Kapag naalala mo yung value mo, natural lang na babalik rin yung respeto mo sa sarili mo, at mas magiging epektibo ka pa rin sa pagtulong sa iba—but this time, with balance.
NUMBER 8
Kapag sobra kang mabait, magiging people-pleaser ka
Alam mo ba yung pakiramdam na kahit pagod ka na, kahit alam mong mali na yung ginagawa mo, oo ka pa rin sa hinihingi ng iba? Yun yung tinatawag na pagiging people-pleaser. Para bang laging ikaw ang nag-aadjust, ikaw ang laging nagbibigay, at ikaw ang laging inuuna, kahit minsan, ang sarili mo ang naiwan sa dulo.
Kapag ganito ka, hindi mo lang sinasakripisyo ang oras mo at lakas mo, kundi pati ang sariling damdamin mo. Parang laging may invisible pressure sa utak mo, na “I have to make everyone happy, otherwise I’m failing.” Pero ang totoo, walang tao sa mundo na puwedeng laging happy, at hindi rin naman responsibilidad mo ang happiness ng lahat.
Isa pang delikado, unti-unti kang nawawala sa sarili mo. Kasi ang focus mo lagi ay sa kung ano ang gusto ng iba, hindi sa kung ano ang kailangan mo. Dito nagkakaroon ng frustration at resentment, kahit hindi mo sinasabi. At kapag ganito, kahit nakangiti ka sa harap ng iba, sa loob mo, parang may weight na bumabagsak sa dibdib mo.
Pero may magandang paalala sa Bible na puwede mong i-hold on: “Do not merely look out for your own personal interests, but also for the interests of others” (Philippians 2:4). Ang mahalaga, may balanse. Ang kabaitan ay hindi para pagkapagodin ka o gamitin ka; para ito sa tamang paraan, na hindi mo sinasakripisyo ang sarili mo.
Kaya kung nakaka-relate ka dito, tandaan mo: okay lang sabihin na “Hindi” minsan. Hindi ka selfish sa paggawa nito. I-respect mo rin sarili mo. Ang pagiging mabuti ay hindi laging nangangahulugan na kailangan mong pahirapan ang sarili mo para sa iba. Kapag natutunan mong mag-set ng boundaries, mas magiging malaya ka, mas magiging matibay ka, at mas may impact ka sa mga tao sa paligid mo—dahil ang kabutihan mo ay galing sa puso, hindi dahil takot sa rejection o gusto ng approval ng iba.
NUMBER 9
Kapag sobra kang mabait, hindi mo na alam ang gusto mo
Alam mo yun yung pakiramdam na kahit buong puso kang nagbibigay, parang unti-unti, nawawala ka na sa sarili mo? Parang ang dami mong ginagawa para sa iba, pero hindi mo na maalala kung ano talaga ang gusto mo para sa sarili mo. You wake up one day, tapos tanong mo sa sarili mo, “Wait… ano ba talaga ang gusto ko? Ano ba ang happiness ko?” Dahil sanay ka nang inuuna ang lahat, ang sarili mo na lang ang naiwan sa dulo.
Kapag palaging sinasabi mo “yes” sa requests ng iba, sa favors, sa expectations nila, unti-unti, nagiging blurred ang boundaries mo. Hindi mo na alam kung ang decision mo ba ay para sa sarili mo o para lang maging okay ang lahat. Parang nagiging robot ka na, paulit-ulit na ginagawa ang gusto ng iba, tapos nakakalimutan mo na yung simpleng mga bagay na nagpapasaya sa’yo.
This is where the struggle gets real: ang puso mo gusto ring magbigay, pero ang isip mo nagsasabi, “Wait… what about me?” Yun yung moment na puwede kang ma-frustrate, mag-overthink, at mawalan ng confidence sa sariling choices. Kapag palagi kang inuuna ang iba, nagiging normal na i-ignore mo ang sarili mo. Eventually, you start questioning yourself: “Am I doing the right thing? Am I happy with this?”
Pero hindi mo kailangang masyadong guilt sa sarili mo. Bible verse ang perfect reminder dito. Sa Galatians 6:4, sinasabi, “Each one should test their own actions. Then they can take pride in themselves alone, without comparing themselves to someone else.” Ibig sabihin, okay lang na i-prioritize ang sarili mo, na suriin ang actions mo, at alamin kung ano talaga ang tama at nakakapagpasaya sa’yo. Hindi selfish ang magkaroon ng gusto mo, hindi selfish ang mag-set ng limits.
Kaya kung napapansin mo na hindi mo na alam ang gusto mo, take it as a signal. Pause. Reflect. Tanungin ang sarili mo: “Ano ba talaga ang priorities ko? Ano ang nagpapasaya sa puso ko?” Kapag natutunan mong i-balanse ang kabaitan sa sarili mong happiness, doon ka magsisimulang maramdaman ang peace, fulfillment, at tunay na joy—dahil hindi mo lang ini-aalaga ang iba, ini-aalaga mo rin ang sarili mo.
NUMBER 10
Kapag sobra kang mabait, napagkakamalan kang mahina
Alam mo ba, minsan kahit sobrang kabait mo, may mga tao pa rin na nagkakamali ng isip tungkol sa’yo? Nakikita ka nila na palaging handang tumulong, hindi tumatanggi, at laging nandiyan para sa kanila… kaya sa kanilang pananaw, akala nila mahina ka. Parang ang kabutihan mo, isang weakness sa mata nila. Pero sa totoo lang, ang pagiging mabait mo ay hindi kahinaan—ito ay strength, pero hindi lahat nakaka-appreciate nito.
Kapag sobrang gentle at accommodating ka, may tendency ang ibang tao na abusuhin iyon. Sa simula, hindi mo napapansin kasi natural lang sa’yo ang magbigay at mag-adjust. Pero unti-unti, makikita mo na ginagamit ka na nila bilang “go-to person” para sa lahat ng problema nila, kahit hindi ka naman obligated. At kapag sinubukan mong iparating ang opinion mo o magtakda ng boundary, nagulat sila… at doon na nagkakaroon ng perception na “Ah, mahina pala siya.”
Ang irony, kahit palagi kang nagbibigay ng support, respeto, at pagmamahal, parang hindi nila nakikita ang inner strength mo—ang tibay ng puso mo na kahit paulit-ulit na sinasamantala ka, pinipili mo pa rin na tumulong sa tamang paraan. Parang nakakalito, diba? Pero ito ang reality: kapag sobra kang mabait, kailangan mong maging malinaw sa sarili mo kung saan nagtatapos ang kindness at nagsisimula ang self-respect mo.
At sa Bible, may magandang paalala si Jesus: “Do not be overcome by evil, but overcome evil with good.” (Romans 12:21) Ibig sabihin, ang kabutihan mo ay hindi weakness—ito ang sandata mo para labanan ang kasamaan, hindi para maging stepping stone sa mga taong walang respeto.
Kaya kung nakaka-relate ka dito, tandaan mo: hindi mo kailangang patunayan sa kanila na malakas ka. Ang totoong lakas mo, nakikita sa choices mo—sa kung paano ka magpapatuloy sa pagiging mabait without letting others take advantage of you. Dito mo talaga mararamdaman ang empowerment: malakas ka dahil marunong kang magmahal, pero marunong ka ring protektahan ang sarili mo.
NUMBER 11
Kapag sobra kang mabait, takot ka na ring tumanggi
Alam mo yung pakiramdam na gusto mo sanang sabihin ng “hindi,” pero hindi mo magawa? Parang may invisible na chain na humahawak sa’yo at pinipilit kang mag-“yes” sa lahat ng hiling ng ibang tao. You know deep inside na pag tumanggi ka, baka ma-offend sila, baka magalit, o baka isipin nilang selfish ka. Kaya kahit pagod ka na, kahit sobrang busy mo, kahit alam mo na hindi mo kaya… “yes” ka pa rin.
Itong takot na tumanggi, hindi lang basta “hindi ka marunong mag-reject.” Ito ay fear—fear na mawalan ng approval, fear na masaktan ang feelings ng iba, fear na mawala ang connection mo sa kanila. Pero habang ginagawa mo ito nang paulit-ulit, unti-unti kang nauubos emotionally. Your energy, your time, your peace of mind—binibigay mo sa iba, pero ikaw naiwan.
Masakit man, pero kailangan mong maintindihan: Hindi ka selfish sa pagtanggi. May hangganan ang pagiging mabuti. Sa Bible, sinasabi sa Galatians 1:10, “For am I now seeking the approval of man, or of God? Or am I trying to please man? If I were still trying to please man, I would not be a servant of Christ.” Ibig sabihin, hindi laging tama na i-please mo lahat. May oras at lugar para sa kabutihan, pero may hangganan din ang “giving” mo.
Imagine mo: kung palagi kang “yes,” eventually, masasanay ang ibang tao sa ganoong pattern. Sila, okay lang; ikaw, stressed at exhausted. Kapag natutunan mong sabihin ang “no” sa tamang paraan, nagsisimula kang ibalik ang respeto sa sarili mo. At guess what? People will respect you more when they see that you have boundaries.
Kaya the next time na gusto mong sumagot ng “yes” kahit alam mong hindi mo kaya, huminga ka muna. Tanungin mo ang sarili mo: “Is this really for me, or ginagawa ko lang ito para hindi masaktan ang iba?” Tandaan mo, pagiging mabuti at pagiging strong hindi magka-kontra. Sa halip, when you learn to say no, you are protecting your heart, your mind, and your soul.

Comments
Post a Comment