8 Hakbang Para BITAWAN ang Nakaraan By Brain Power 2177





Lahat tayo ay may nakaraan, may magandang nangyari at may mga nangyari din na hindi kaaya-aya, at minsan, ang mga nangyari sa nakaraan ay palaging dumidikit sa atin. Hindi natin mabitawan at humahadlang sa atin na magpatuloy.

Kung gusto mong maka move on sa ex mo, kung gusto mong makalimutan ang nakaraan mong pagkakamali, o trauma, hindi ko masasabi sa 'yo na napakadali lang itong gawin, sobrang hirap talaga na ihiwalay ang iyong sarili mula sa anumang pinagdaanan mo ngunit ang magandang balita ay ang kagustuhan mong magpatuloy ay talagang gumagabay sa 'yo sa tamang direksyon.

Ang dahilan kung bakit karamihan sa atin ay nakakaramdam ng guilt o kahihiyan sa ating mga nakaraang aksyon ay dahil ang mga aksyon na 'yon ay hindi naaayon sa ating kasalukuyang moral at values. Sa ganitong paraan, ang ating mga nakaraang pagkakamali ay maaaring magbigay sa atin ng ideya kung ano ang mahalaga sa atin ngayon.

Pero sabi ko nga kanina, hindi ito madaling gawin. Kapag kasi ang puso mo ay malalim na nakakabit sa isang bagay, maging tao man ito o karanasan, mabuti man o masama, napakahirap buwagin ito. Napakahirap mag move on. Kahit alam mong hindi ito tama para sa 'yo, kumakapit ka pa rin dahil sobrang lalim ng koneksyon mo sa bagay na ito o sa tao.

Habang ang pagbitaw sa nakaraan ay hindi magiging madali, responsibilidad mong maging mausisa at tuklasin kung bakit nangyari ito at iproseso ang mga damdaming kaugnay ng sakit. Hindi ito tungkol lamang sa pagbitaw kundi sa pagkakaroon ng mas magandang takbo ng buhay mo at may maganda kang relasyon sa sarili mo. Dito na magsisimula ang pagmamahal sa sarili.

Kung nahihirapan kang mag-move on, narito ang mga rekomendasyon upang tuluyan mong maiwanan ang iyong nakaraan.


NUMBER 1
DAPAT INTENSYON MONG BUMITAW


Hindi pwedeng nasa isip mo lang. Dapat tuldukan mo na. Dapat may gagawin ka. Habang napagtatanto mong naipit ka sa nakaraan, maaaring mapagtanto mo rin na may kailangang magbago upang makapagpatuloy ka. Ang personal growth at progress ay palaging nagsisimula sa isang layunin—isang pagnanais at kahandaang gumawa ng ibang bagay upang makuha ang kakaibang resulta. Ang unang hakbang sa pagbitaw sa nakaraan ay ang intensyong pagpili na gawin ito. Gawin mong commitment ang pagbitaw.


NUMBER 2
'WAG MONG MADALIIN ANG LAHAT


Dahan-dahan lang sa pag proseso ng mga iniisip mo at emosyon mo. Unawain mo na ang paghilom ay hindi tuwid, at ang pagpapalaya ay nangangailangan ng sapat na oras. After all, hindi natin kayang baguhin ang nakaraan, at maaaring hindi na tayo maging pareho noong dati—pero hindi ibig sabihin nito na kailangan nating manatiling ganito na lang. Kailangan nating makausad sa buhay. Ang paglimot sa nakaraan ay kadalasang isang proseso ng pagdaan dito kaysa sa pagbitaw nito kaagad. Hindi natin basta-basta maiiwanan at makakalimutan ang lahat, kundi madalas kailangan nating damhin ang ating mga damdamin, iproseso natin ito ng maayos at palumanay, at daanan natin ito patungo sa sitwasyon kung saan tayo ay mas kalmado, nakapokus, at may kalakasan sa halip na ma-trigger ng isang nakaraang pangyayari.

Kapag naihihiwalay natin ang isang nakaraang karanasan mula sa ating kasalukuyang realidad, mas nagiging posible at puno ng pag-asa ang pagharap natin sa hinaharap. I-acknowledge natin ang nakaraang pangyayari o karanasan at iproseso ang mga damdamin—tanggapin natin ang mapait na parte ng buhay at ang mga emosyon na kasama nito.


NUMBER 3
ULIT-ULITIN MONG SABIHIN ANG POSITIBONG SALITA


Ito ang ginagawa ko noon noong naghiwalay kami ng ex ko. Palagi kong sinasabi na KAILANGAN KO NG BUMITAW. KAILANGAN KONG HARAPIN ANG HINAHARAP NANG MAG-ISA. HINDI KO MABABAGO ANG DESISYON NAMIN. HANDA NA AKONG MAG MOVE ON. The reason why I'm telling you this is because it helped me. At gusto ko ring subukan mo. Those positive words that you say and think can be a powerful tool to help "rewire" negative thought loops, priming the brain to look for and believe in what it is you're telling yourself.


NUMBER 4
BUKSAN MO ANG IYONG KAMALAYAN


Minsan kasi sarado ang kamalayan natin. Baka hindi pa nga natin mapansin na nakadikit na pala tayo sa nakaraan kung hindi tayo conscious sa mga kaisipang nagwawala sa ating isipan. Dahil dito, ang pagbukas sa 'yong kamalayan ay isang mahalagang gawain para sa pagbitaw sa nakaraan. Maglaan ka ng mas maraming panahon para makapag concentrate o makapagpokus sa kasalukuyan at kung ano ang mayroon ngayon sa halip na kung ano ang nangyari dati. Ang ginagawa ko noon hanggang ngayon ay lagi akong naglalakad sa nature. Ang iba dinadaan nila sa medtitation. Iba-iba kasi tayo ng coping mechanism. Ako, gusto kong pumunta sa tahimik na lugar. Doon tatahimik ang utak ko. Doon ako kakalma. Lalo na kapag nasa dagat ako, sinasampal ako ng malakas na hangin, nakaka-refresh ng utak. Madali kong maisip ang magandang mangyayari sa kinabukasan. Kahit hindi ka regular na nagbivisualize o nagmeditate, maglaan ka pa rin ng oras kahit sandali lang upang magpokus o magvisualize kung ano talaga ang kagandahan ng pagbitaw. Magpokus ka sa positibong side. Habang ginagawa mo ito, pansinin mo ang mga damdaming lumalabas, at damhin mo ang gaan at ginhawa na nararamdaman mo.


NUMBER 5
ACCEPTANCE IS KEY


Palagi na nating naririnig ang acceptance is key pero ang tanong, totoo bang natanggap mo na ang nangyari o nakakabit ka pa rin sa nakaraan mo? Tanggapin mo ang nangyari, kahit na nangangailangan ito ng radikal na pagbabago sa 'yong pag-iisip. Hindi ito nangangahulugang gusto mo o nagpapasalamat ka sa nangyari kundi, pinipili mong hayaan na lang ang mga nangyari kasi hindi mo naman 'yon mababago. Kapag tinatanggihan natin, nilalabanan, o kung hindi man ay pilit nating labanan ang sakit, naglilikha lamang tayo ng labis na pagdurusa. So give yourself permission to be as you are, damhin mo ang nararamdaman mo, danasin mo lahat nang hindi lumilikha ng hindi produktibong kahihiyan o pagkabalisa. Maaaring nandiyan pa rin ang sakit, pero mababawasan ang ilan sa pagdurusa.


NUMBER 6
PATAWARIN MO
ANG IYONG SARILI AT ANG IBANG TAO


Minsan ang pagpapalaya ay nangangailangan ng kapatawaran, maging ito man ay pagpapatawad sa sarili o sa ibang tao. Parang sabi nga sa lumang kasabihan: Ang pagkimkim ng sama ng loob ay parang pag-inom ng lason at inaasahang mamamatay ang ibang tao. Tandaan mo na nakakalason ang pagkimkim ng sama ng loob kaya kailangan mong bitawan 'yan.


NUMBER 7
BALIKAN MO ANG SARILI MO


Minsan kapag may mga pangit na nangyari sa buhay natin, mawawala tayo sa ating landas. Nakakalimutan natin ang ating sarili. Hindi na natin ito inaalagaan. Kapag namumuhay tayo sa nakaraan, nawawalan tayo ng pagkakataon on who we can be in the present, and this can lead to feeling disconnected from our passions, from our goals, and even our body. Ang paglipat mula sa nakaraan ay kinabibilangan ng pagpokus sa sarili mo at paglinang sa mga aspeto ng iyong buhay na mahalaga sa 'yo. Balikan mo yung mga panahon na masaya kang ginagawa ang passion mo na nakalimutan mo na ngayon. Balikan mo ang hobbies mo at mga interes mo, at bigyan mo ng oras ang sarili mo upang magpagaling at magpatuloy ka sa 'yong buhay. Everything that happens to us emotionally or psychologically happens to our bodies as well. It's all connected. Kaya nga kung sobrang negatibo ng iniisip mo ay manghihina ka rin. Konektado ang katawan at ang mga iniisip natin.


NUMBER 8
HABAAN MO ANG IYONG PASENSYA


Sabi ko nga kanina, hindi ito madali at kailangan ng proseso. Kaya habaan mo ang iyong pasensya. Give yourself grace. Tandaan mo na hindi natin maibabalik ang mga nangyari, ngunit maaari nating baguhin kung paano tayo magpapatuloy. Kung hindi mababawasan ang bigat ng iyong mga karanasan, minsan makakatulong na subukan mong bigyang kahulugan ang mga nangyari sa 'yo. Hindi ito nangangahulugang kailangan mo itong magustuhan, ngunit kung kaya mong baguhin ang paraan ng pag-iisip mo tungkol sa iyong mga karanasan, mas mabuting maisasama ang mga nangyari sa 'yo. Kumbaga, gamitin mo ang mga nangyari bilang mga aral sa buhay.

Ang videong ito ay hindi lang tungkol sa pag move on sa ex, kabilang na rin dito ang pag move on sa mga nagawa mong mali at karanasan mong nakaka-trauma.
Pero kung ang problema mo ngayon ay tungkol sa pag move on sa ex mo, tandaan mo na minsan kailangan mong malampasan ang breakup, at minsan, kung gusto niyo pa rin ang isa't-isa, kailangan mong patawarin ang iyong sarili o ang iyong ex para sa mga nangyari sa relasyon, tulad ng pagtataksil, upang mapanatili pa rin ang inyong relasyon. At ang unang hakbang ay pagpapatawad.

Kung nag-aalinlangan ka sa dedikasyon, kakayahan, o intensyon ng iyong partner—isaisip mo kung paano ka maaaring maapektuhan ng mga sugat mula sa nakaraan. Ihambing mo ang mga kilos niya noon at ngayon kung may nagbago ba. Minsan kasi ang hirap magtiwala kung may nagawa ng kasalanan ang isa. Pero kung ayaw mong makipaghiwalay, kailangan mo ng magpatawad. Minsan din makikita mo o mararamdaman mong mahal ka ng partner mo, ngunit ang sakit mula sa nakaraan ay nagpapabulag sa 'yong kakayahang makita ito. Mahirap kasi labanan ang pagdududa lalo na kung tiwala ang nasira.

At kung ikaw man ay nagpapagaling mula sa breakup, kahit ikaw ang nagdesisyong makipaghiwalay, masakit na sugat pa rin ito na mangangailangan ng oras upang maghilom. Kung mahal mo ng sobra ang taong ito, maaari mo pa rin naman siyang mahalin, pero iba na ang papel niya sa buhay mo, hindi na partner. Pwedeng kaibigan na lang. You can absolutely love them from afar but the most important thing is to give yourself grace, honor your emotions day by day, and give yourself the space to process for as long as you need.

Mahalagang tandaan na buo ka na, walang kulang sa 'yo at makapangyarihan kang nilalang, at hindi mo kailangan ng isang relasyon upang ma-validate ang pagkatao mo. Madalas, nahuhulog tayo sa isang relasyon tapos nalilimutan natin ang mga bagay na nagpapasaya sa atin bilang indibidwal.

Ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan kapag binibitawan ang nakaraan, ito ay mangangailangan ng sapat na oras at malamang na hindi ito magiging isang tuwid na proseso. Hindi natin maibabalik ang mga nangyari, ngunit sa pamamagitan ng ating intensyon na baguhin ang ating pananaw, habaan ang ating pasensya, at hihingi ng tulong o payo sa mga taong may karanasan nito, it is possible to come to terms with your past so you can move into your future.

Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177