8 Hakbang Para BITAWAN ang Nakaraan By Brain Power 2177
8 Hakbang Para Bitawan ang Nakaraan Lahat tayo ay may nakaraan, may magandang nangyari at may mga nangyari din na hindi kaaya-aya, at minsan, ang mga nangyari sa nakaraan ay palaging dumidikit sa atin. Hindi natin mabitawan at humahadlang sa atin na magpatuloy. Kung gusto mong maka move on sa ex mo, kung gusto mong makalimutan ang nakaraan mong pagkakamali, o trauma, hindi ko masasabi sa 'yo na napakadali lang itong gawin, sobrang hirap talaga na ihiwalay ang iyong sarili mula sa anumang pinagdaanan mo ngunit ang magandang balita ay ang kagustuhan mong magpatuloy ay talagang gumagabay sa 'yo sa tamang direksyon. Ang dahilan kung bakit karamihan sa atin ay nakakaramdam ng guilt o kahihiyan sa ating mga nakaraang aksyon ay dahil ang mga aksyon na 'yon ay hindi naaayon sa ating kasalukuyang moral at values. Sa ganitong paraan, ang ating mga nakaraang pagkakamali ay maaaring magbigay sa atin ng ideya kung ano ang mahalaga sa atin ngayon. Pero sabi ko nga kanina, hindi ito madal...