Posts

Showing posts from August, 2024

8 Bagay na Hindi mo Dapat Ipagsabi By Brain Power 2177

Image
May mga bagay na hindi dapat ipagsabi May 8 bagay sa buhay na hindi mo na dapat i-share sa ibang tao. Ano ang 8 bagay na 'yon? Malalaman natin 'yan sa videong ito. Hindi naman masama kapag nagki-kwento ka o nagshi-share ka ng tungkol sa buhay mo. Naging bukas ka lang sa kanila at nagpakatotoo ka lang. Pero kapag labis na, I mean kung halos lahat ng kaganapan sa buhay mo ay shini-share mo sa iba, 'yon na ang problema. Minsan kasi hindi ka na mauunawaan ng tao e dahil sa dami ng sinasabi mo. Keeping certain aspects of your life private isn’t about being secretive, but about preserving your dignity and self-respect. Ano nga ba ang 8 bagay na ito na panatilihin na lang nating pribado? NUMBER 1 MGA PERSONAL NA HINANAING Lahat naman tayo ay may hinanaing. May mga negatibo ring pangyayari sa buhay natin. May mga hindi pagkakaunawaan. Minsan nakikipagtalo tayo sa pamilya natin. May mga hindi pagkakasundo sa isang katrabaho. Siyempre bilang tao, hindi natin maiiwasan ang mga pangyay