Posts

Showing posts from July, 2024

Paano Mag Move on at Mag Heal Pagkatapos ng Breakup By Brain Power 2177

Image
Paano mag move on ? Kung nasa sitwasyon ka ngayon na kaka-breakup mo lang tapos nahihirapan kang maka-move on, 'wag kang mag-alala kasi lahat tayo ay nakakaranas ng breakup at makakaranas pa ulit nun. At para sa 'yo ang videong ito. Hindi ako magsu-sugarcoat, sasabihin ko ang totoo, ang pagmo-move on ay hindi madali pero magagawa ito ng sinuman basta't habaan mo lang ang iyong pasensya. Iba iba tayo ng istilo when it comes to move on at walang rule na pang one day lang. Lahat tayo ay dumadaan sa proseso. Kaya tratuhin mo ang iyong sarili nang may kabaitan. Maglaan ka ng oras upang magpagaling, at gamitin mo ang mga tips at gabay na ibibigay ko sa 'yo upang maka-move on ka. NUMBER 1 DAMHIN MO ANG KALUNGKUTAN Ang pagtanggap at pagpoproseso ng iyong mga emosyon ay mahalaga sa pagpapagaling.  Kapag nakakaramdam ka ng maraming negatibong emosyon, normal na gusto mong balewalain ang mga damdaming 'yon ngunit nag-eextend lamang ito ng iyong dalamhati.  Sa halip, hayaan mo