14 na Hakbang Para Mamuhay ng Maayos By Brain Power 2177

Pagaanin mo ang iyong buhay Photo by Simon Migaj from Pexels IKAW lang ang gumagawa ng meaning sa buhay mo. Sa pamamagitan ng mga INIISIP mo at GINAGAWA mo. Kailangang may matutunan ka sa buhay mo upang mas madali kang makaabante. Kung nandiyan ka pa rin sa madilim na sitwasyon ngayon, ikaw na ang may problema. Hindi na kasalanan ng ibang tao kung bakit nandiyan ka pa rin. Itigil mo na ang paninisi. Tandaan mo na ikaw ang may kontrol sa buhay mo. May choice ka kung ano ang gagawin mo. Kung nabibigo ka dahil may nagawa kang hindi tama, ikaw na ang may kasalanan. Nakuha mo ba ang punto? NUMBER 1 MAGPOKUS KA SA SARILI MO Photo by Keegan Houser from Pexels Kailangang hanapin mo ang iyong sarili. Ibig sabihin, alamin mo ang iyong potensyal. Tandaan mo rin na hindi ka dapat magmadali sa buhay. Living your life to the fullest is a PROCESS that will take your WHOLE LIFE to develop. 'Wag kang magalit sa sarili mo at 'wag kang magalit sa sitwasyon mo. Kahit hir...